Ikaw, pa rin



Mga larawang nagbibigay kulay sa mundo kong itim. Bangkang minsan nang lumubog, inayos at ginamit pa rin. Bagay pa rin sa'yo yung tali mong mukha kang taga-Pegasus. Ako? Ito, nandito pa rin --- nagmamahal pa rin sa'yo, Ay sus.

Natatandaan ko pa nung kumain tayo sa isang restawran na malapit sa Tagbilaran, order mo pa nga'y Chicken Beef na may Chao fan. Ewan ko ba kung bakit ka biglang umiyak, dala siguro ng akads o ika'y nabiyak, biyak sa pagod ng buhay o buhok na hindi na nasuklay? Pintang hindi man lang pinagpugay. Umuwi ka noon na wasted, parang lalaking uminom dahil na basted. Sinundo ka ng papa mo noon, naka motor. Ako naman ay umuwing naka roller blades. 

Nakatitig pa rin ako sa salamin na minsan mong pinag-ayusan. May bakas pa nga ng lipstick na parang pinamana ng iyong ina eh. Para bang bintanang naka bukas sa kahit sinong nais tanawin ito, pero, para sa akin lamang. Para kang araw na sa bawat paglubog mo’y may gandang nais iparating at sa bawat pagsulyap mo nama’y ramdam ko’y tindig at tinig. Ibong kumakanta sa aking mga tainga. Tubig na nagbibigay buhay – tulay sa makabuluhang buhay.

Sa bawat oras na kasama ka para bang wala na akong mahihiling pa. Okay na bes, perfect na lahat. Samahan mo pa ng awitin ni Ed Sheeran na Perfect, s’wak.

Gusto kitang yakapin at sabihing akin ngunit tila ba’y nagising ako sa isang panaginip na minsan ako’y nadakip sa masikip at nangingitil na hindi ko kailanman gustong tumigil.

Oo, ang puso mo’y may barikada, Peksman. Pinag – aralan ko na kung paano makaka trespass d’yan. Parang laro, may mga lebel, Siguro, nasa ‘Boss Level’ na ako, noong andiyan na, last round na, biglang namatay.

Gusto kitang yakapin at hawakan ang iyong mga kamay ngunit tila ba’y huli na ang lahat. Sumuko ka na. Ako? Hindi pa eh. Lumalaban pa sa isang madugong labanan na ang sarili lamang ang kalaban.

Naaalala ko pa rin nung una mong sabi sa akin na, ‘ayusin mo nga yang buhok mo

Ito, maayos na, naka – pomade pa nga eh, pero nasa’n ka na?

Pumupunta pa rin ako sa lugar kung saan tayo kumain noon, dala – dala ang Chicken Beef samahan mo pa ng Chao Fan. 

Umaasa na mabalik ang lahat mula sa nakaraan. Pero wala na atang 'turn to reverts' eh 

Ikaw lamang ang gusto kong makasalo malapit sa Tagbilaran, kahit ilang order pa ng paborito mong pares, Kahit ilang order pa ng Chicken Beef at Chao Fan. Kahit na masusuka – suka ka pa riyan. Basta makasama lang kita, okay na ang lahat. Peksman. Cross my heart. Tapon susi

Ikaw ang paborito kong kasalo sa pagkain, hiramin mo balikat ko kung iiyak ka ah.

Ito, hindi pa rin ako nakatatayo sa aking mga paa, ikaw naging pundasyon ko eh. Para bang naging baldado ako nung sinabi mo, "Paalam"

'Di ko na ipipilit ang sarili ko, ang plastik 'no? Ito nga pala yung panyo ko, punasan mo na yang luha mo.

o baka luha ko?

Wala nang iba; ikaw at ikaw pa rin; ako pa rin sana